…napa-update ako ng blog.
Tagalog post by the way. Sorry to those who can’t understand. Medyo litanya siya.
Wag ka na mag-comment kung di mo babasahin ang lahat.
Mukhang mapapaaga ata ang pagreresign ko sa pinasukan ko.
Actually, ganun din ang feeling ng iba kong kasama. Pano ba naman, ang feeling naming lahat eh nasasakal kami. Yung tipong bawat galaw mo sa office eh may masasabi sila. Actually, expected naman yun. Dahil nga baguhan pa lang kami. Okay fine.
Napagsabihan kami ng aming Administrator about the following:
Show ▼
- Na-observe raw niya na malayo ang loob namin (Kaming 4 na bagong na-hire) sa ibang staff.
- Meron kaming ‘lounge’ sa office. Pag may mga kainan-sessions, doon kami. Napansin daw ng ibang staff na bakit daw basta na lang namin iniiwan yung pinagkainan namin. Hindi raw namin nililigpit.
- Makalat ang mga mesa naming apat sa opisina.
- Hindi raw kami nagpapaalam sa paglabas-labas namin pag 12:00-1:00 na lunch break.
- Maingay kami most of the time.
- Nabre-break namin ang dress code sa opisina. Most of the time, naka-jeans kami. Eh dapat pormal-pormalan mode.
- Pagyoyosi ng isa sa amin-pinakealaman din.
Bullshit.
Yun lang talaga masasabi ko.
Eto sagot ko sa lahat ng points na napansin nila sa amin na ni-relay ng aming Administrator:
Show ▼
- Natural lang naman siguro na kaming apat ang magkakapalagayan ng loob. Bakit? Sabay-sabay kaming nahire. Pangalawa, sabay-sabay kaming nagtraining for the work. Pangatlo, nagkakatugma-tugma kami ng interests sa buhay. Well may point naman sila. Kelangan naming mag-reach out. FYI, ginagawa namin yung best namin about it. Syempre, it takes time. Parang gusto nilang makita yun overnight.
Eh like hello?! Wala pa kaya kaming isang buwan sa trabaho compared to them na nagbonding na for months or years.
- Nag-sorry na kami about it. Pero sa totoo lang wala kaming maalalang instance wherein we did that. But then again, we said sorry at inaayos na namin ang lahat pag ginagamit namin yung lounge. Especially ako, pagkatapos kong kumain, dinidiretso ko yung pinagkainan ko sa lababo. Then just this lunch break, may napuna na naman sila.
Kinwento ng officemate ko lang kasi nag-cr ako that time. Bullshit talaga. May naiwan kasing dalawang plato sa mesa. Then ayun, nakita na naman nila yun. Ang sabi ata bakit laging si (insert name of officemate) ang nagliligpit na naman.
Eh di kami, parang what the hell?? Big deal ba yun? Anyone can do that naman.
Its just that nataon na I had to go to the CR to pee and the others had to do some stuffs as well. Damnit.
- Aminado kami dun. Nag-sorry na kami. And ako, I know sa sarili ko na lagi kong nililinisan yung area ko.
- This pisses me off big time. Tang ina. 1 hour na nga lang. 1 hour break. Kelangan pang ipagbigay alam. Its not their fucking business.
Ang gusto nila, pag mag-time-out, yung tipong.. “Lunch lang po ako..Labas lang po ako..” Tipong may pasabi everytime. Okay naman yun. No problem about that. Its just that pag nawala ka na sa paningin nila between that 12:00-1:00 span of time, ang reaction nila.. “Ay, san na si ganito.. San na si ganyan..Di na naman nagpaalam..” 1 hour na nga lang. Peste.
- Madalas kaming magkatuwaan sa office because of the interests na meron kami in common. I-tone down daw namin. Okay fine. That’s really fine. Ang amin lang, naghahalakhakan kami kasi ayaw naming tumanda ng 10 years sa toxic ng trabaho.
Eessh.
- Mahirap mag-market ng ganun ang attire.
Susuyurin mo mga school at ospital, ganun outfit mo diba? Para namang ewan.
Pero na-solve na tong issue na to. So hindi na siya big deal.
- As in na-offend yung kasama ko about this.
Sabi nga niya awhile ago.. “I will resign!” Pero joke mode. Pero halatang offended siya. Ako, as in I despise smoking. Pero naiintindihan ko that several people couldn’t go away with that habit, and that I respect. At saka pag nagyoyosi siya, in- between breaks lang. He also makes sure na hindi siya naaamoy. Chewing gum-mouthwash-toothbrush pa at times. So what’s the effing big deal? Motherfucker.
Kung ganito ba ang atmosphere sa pinagtratrabahuhan mo, mate-take mo?
Ako, as in now ang feeling ko eh sakal na sakal na ako.
Graaaaah!
No wonder walang tumatagal na staff sa kanila sa Marketing position. Mapapaaga ata pag-re-resign ko pero syempre I will gauge that in the coming months.
Sabi nga nung 2 kong kasama, kala raw nila okay lang ako kanina. Kala raw nila natotolerate ko pa, kasi parang wala lang daw, composed pa rin itsura ko. Pero nung nag-open up ako sa kanila, pare-parehas lang pala kami ng nararamdaman.
Watch out for the next chapter.
Hehe.